Hindi ko alam kung matatawa ba ako or magagalit. One thing for sure is natawa ako at nagalit ngayong araw na to. Ganito kasi. Papasok na ko sa school nung umaga habang naglalakad palabas ng phase, biglang natanggal yung takong ng shoes ko. Naaapakan ko na yung nails kaya wala akong choice kundi umuwi at gamitin yung isa kong shoepatos. Dun na ko nagsimula mainis kasi malalate na ko sa klase. Then naisipan ko na magtrycycle para mas mabilis. Itong trycycle na natatanaw ko, tinatawag ko and sigurado akong nakikita niya ko dahil ang distance lang naman namin sa isat isa is from gate 1 ng lyceum to gate 2 ng lyceum. Edi tinawag ko na yung trycycle driver tapos nagwawave ako ng kamay. Hindi ako nilalapitan! Edi ang ginawa ko, naglakad pa ko ng malapit para tawagin ulit yung driver na yon at nung lumapit na siya, tsaka ko naman sinadyang lumihis ng direksyon para asarin siya. Hindi na ko sumakay. :)) Edi yon. Dumating na ko sa school. Research ang subject namin at hinahanap na ni sir yung compilation ng mga checked papers. Dinala ko yung mga paper na nasakin (chapter 2, isang research proposal, yellow paper na signed at yung questionnaires.) Complete na sana eh, may kulang lang! Yung chapter 1 na tinabi ng partner ko. Nainis nanaman ako dahil hindi niya dinala. Yun pa naman ang paulit ulit kong sinasabi na dalhin niya. Ang dala niya lang is yung isang research proposal at ang rason pa niya is akala daw niya yun yung chapter 1. WTF?! Dahil nga nagtatalo kami kung nakanino ba yung chapter 1, pinauwi ko siya sa bahay para hanapin ulit yung papel na yon. Umuwi din ako para madouble check kung nasakin ba talaga. Isipin mo naman from Paranaque pa ko. No choice. Umuwi din ako. Ang dami daming nagkasabay na kamalasan ngayong araw. Ito iisa isahin ko. 1. Nakauwi na ko sa bahay and dahil wala akong load para itext yung partner ko na naka-sun, nagpaload ako sa kapit bahay. Ang pinaload ko is 28 pesos. Paguwi ko, may nagtext, “you have just been loaded 25 pesos blah blah…” WTF!? Then biglang tumawag sa landline yung nagload sakin, lumabas daw ako at ibibigay niya sukli ko. Lumabas naman ako. Sinuklian ako ng piso. I was like, huh?? Ano ba problema nung nagload sakin?! Pati sya sumabay pa. Hindi tuloy ako makapag superunli dahil kulang load ko. No choice. Nagpaload pa ko ulit at ginawa ko ng 30. 2. Kaya naman ako nagsuperunli is para matawagan ko si tita. 10:15am na. Next class ko is TPAD 11:30. Sa mga taga paranaque, mahirap na sumakay sa fx ng mga oras na yon. Lahat puno na. Wala ka ng masasakyan. Tutunganga ka muna ng 30 minutes bago may dumating na fx na may bakante pa at kung minsan, kailangan mo pang makipagbugbugan para mauna kang makasakay sa dami ng naghihintay ng fx. Tinawagan ko si tita para ipaalam na magmomotor ako papasok ng school. Pumayag naman siya. 3. 10:30am. Paalis na ko gamit ang motor papuntang school. Yun pala, nakapadlock yung service gate namin at dun pa naman ang gate para mailabas ko yung motor. Bakit wala akong susi non?! Ang malas lang talaga. Kaya tinawagan ko si tita para itanong bakit hindi niya ko binigyan ng susi para doon. Galit na galit na ko at kinakabahan na si tita sa pagmotor ko. Iniisip niya na baka may masamang mangyari dahil mainit na ulo ko at magddrive pa ko. Sakto namang pagka emptyn ng battery ng cellphone ko. So ang ginawa ko, nagmotor pa din ako. Idinaan ko sa gate ng garage yung motor. Pahirapan! Inusad ko lahat ng upuan sa terrace para maidaan yung motor. Iniwan ko yung terrace namin na mukang inambush. Pero buti nailabas ko naman. 4. Edi yun, nakarating naman ako sa school ng safe. It took me only 35 minutes. Edi medyo GV na ko. Kaso may problema nanaman. Wala akong maparkingan. Puno na. So pinarada ko muna yung motor sa likod ng kotse ng kaklase ko then tinawag ko yung guard para hanapan ako ng paparadahan. Buti, naihanap niya ko at siya pa nagpark ng motor ko para di na ko mahirapan isingit dun sa parking lot. 5. Dahil nagaalala si tita sa pagdrive ko, itetext ko sana siya na nasa school na ko. Naalala ko na empty batt na pala ko. Pano ko kaya masasabi sakanyang naempty lang ako? Baka isipin nun nadisgrasya na ko sa pagmamaneho. Wrong timing maempty yung phone ko! 6. Eto pa may malas nanaman. Umakyat na ko sa room. Naiwanan ko palang nakabukas yung break light ng motor. Nakailaw yun for about 3 hours eh kakabili palang ng battery na yun. Patay ako kay tita. Masisira yung battery ng motor na kakabili lang few days ago. 7. Naunahan ko pa makabalik ng school tong partner ko na taga pandacan and dumating siya sa school na hindi parin dala yung chapter 1. So nainis na ko at kinausap yung prof ko kung pano gagawin kaya magsolo na lang daw ako kung nagsisisihan din naman kami ng partner ko. Kinausap din siya ni sir. Pagbalik niya sa room, umiiyak siya. Sus. Dahil sa galit ko, hindi ko napigilang sigawan siya sa harap ng klase habang nasa pinto yung prof na may kausap. Eh kasi naman diba? Siya pa pala may karapatan umiyak. Diba dapat ako yung umiyak? Sus. 8. Bago matapos yung class, chinarge ko yung phone ko sa room. After 20 minutes tinanggal ko just to find out na hindi pala nagchacharge. Magaling! Tapos na yung class. Akala ko tapos na din ang kamalasan ko ngayong araw. Hindi pa pala. Pauwi na kami ni tita non. At dahil nandun din si tito, siya na lang naguwi ng motor. Muntik na madiskarga yung battery kaya pwedeng mamatay yung makina nun habang nagdrdrive ako kaya si tito na ang gumamit para maiuwi sa bahay yung motor. Habang nasa fx kami ni tita tumawag si kuya michan. Uuwi na siya from benilde at sinabi samin na baba na lang kami sa may Multi para dadaanan niya kami don para di na kami magcommute. Dala niya kasi yung Adventure. Hinintay namin siya sa Jollibee tapos kumain kami pagkadating niya. Yung meal ko na yun ang first meal of the day ko. Past 3pm na non. Umorder ako ng peach mango pie, c3, coke float. Hinuli ko kainin yung peach mango pie kaya sabi ko sa kotse ko na lang kakainin. Edi sumakay na kami. Binuksan ko yung pie ko. Tinapat ko yung cup ng coke float habang sumubo ako kasi mapapagalitan ako ni kuya pag natuluan yung sasakyan. Edi kumagat ako. Walang palaman yung peach mango pie ko! Todo sapo pa naman ako ng cup ng float kasi akala ko may magooverflow na peach and mango. Yun pala walang palaman! Pati sa pagkain minalas pa ko. Hahahaha! Dun ako natawa. Kasi pati ba naman sa kakainin ko eh. 9. Paguwi sa bahay, empty pa din BlackBerry ko. Pagnaddrain pala yun, nagdedeepsleep yung phone. So sayang naman yung superunli ko hindi ko magamit! Kaya kinabit ko muna yung sim ko sa dati kong phone. Ilang hours na hindi pa din nagchcharge. Akala ko sira na. Buti na lang after 4 hours, nagcharge din. Hay sa wakas. Ayun na ang kamalasan ko ngayong araw. I hope na maganda naman ang araw ko bukas. Please. Ang sakit sa ulo ng araw na to. I curse this day! August 17. :((
Di parin ako maka move on sa pagsubsob ko sa motor. Angkas ko si Mia at Yolly para ihatid sila sa labas then nagpreno ako. Dumulas pwet ko sa upuan kasi sinakop ng dalawa yung space! Sumubsob lang naman ako at nashoot paa ko sa kanal. Tawa ako ng tawa. Sinugod pa ako ng construction worker para tumulong itayo motor ko at ako. Samantalang yung dalawa sitting pretty na nakaangkas sakin! PS di ko kaya bigat nyo! Itukod nyo naman mga paa nyo sa sahig pls? Hahaha. LOL I love you Mia and Yolly.
Button Theme